<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/35325779?origin\x3dhttp://mitzyyyyy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

11.23.2006

sobrang frustrated.

i hate it.


i simply hate this quarter. naging tamad ako. nadagdagan ang mga oras ng pag-computer. na-lessen ang hours ng pag-a-aral. tinamad. maniana habit. sheesh. bagong buhay, third quarter.


akala ko nakabawi na ko.


so half day kami ngayon. at hindi rin 'half day' ang uwi ko. 3 pm din ako umuwi, dahil nag-design kami ng room. nagalit sa amin ang aming adviser, sa dahilan na kami'y kumikilos lamang kapag sinasabi niya na kumilos kami.

tama nga siya, ang lakas ng tama sa amin.

distribution of cards na bukas, sana maging maganda araw ng aming adviser.


nakakainis, kung kelan sa tingin ko tumataas ang mga grades ko, yun pa pala ang pagbaba. nakakainis, nakakawalang gana na tuloy ang magaral.


nakakainis, hindi pala pwede yung magsabi ako sa ibang tao na papasok ako ng maaga, dahil hindi rin naman ako nakakapasok ng maaga. marami akong nakakalimutan gawin, at ito'y ginagawa ko sa bahay ko para hindi na ako mag-cram sa eskuwelahan.

pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa yung mga sinasabi ko sa sarili ko na gawin ko.


::magbagong buhay ka na nga!!::


kakasabi ko lang na hindi ko nagagawa yung mga sinasabi ko sa sarili ko. heto na naman ako. ginagawa ang katangahan.


congratulations sa mga achievers. ang gagaling at SISIPAG niyo. wag kayong gumaya sa akin, patamad ng patamad. :))


kaninang umaga ay nasiyahan ako sa pagpasok ko. nakita ko si kaye anne, at sinabi niya sa akin na mayroong tao, na itatawag natin ng palihim sa ngalan na wacky, na nahihiyang manghingi sa akin ng pabor. ako'y natawa, sapagkat sa ganoong lagay niya ay may hiya pa pala siya. close kami, at walang problema doon, ngunit sa dinami-dami na mga oras ng paghingi niya ng pabor sa akin, bakit nahiya pa siya?

heto pa nga yung kwento ni kaye anne na sinabi ni wacky sa kanya:


KAYE: *pumunta kay wacky at ipinakita ang pinapagawa nito sa kanya (kay kaye anne)*
WACKY: ok, kilala mo si mitz diba?
KAYE: oo.
WACKY: ahh, kasi nahihiya akong mag******* sa kanya eh.

MITZY: ahh ganon, *tawa tawa tawa*
KAYE: biglang tinuro si wacky

MITZY: oh, wacky, nahiya ka pa sa 'kin! ang sama ni kaye anne *sabay turo kay kaye anne*, sinabi niya na nahihiya ka pa daw sa 'kin.


*pahiya siguro si wacky non noh?*
- kaye anne, kung may mali sa dayalogo sa itaas, sana'y wag mo nang "pakialamanan" (o kung ano mang term ang dapat diyan). hehe, basta't naiparating ko ang gusto kong sabihin. -

...ang walang kwentang paguusap naming tatlo, ay sana wag ninyo nang pansinin. :)


kahapon ay ang kaarawan ng aming henyong si rommel. siya ay nagpakain ng ispageti at kutsinta. pero hindi ko nakain ang kutsinta. kawawang kutsinta. :(

ganunpaman, maligayang kaarawan sa iyo, nawa'y magkaroon ka pa ng maraming kaarawan na dadating. (tama ba the grammar? so hina kasi in filipino pare, eh. *cofibean* :)


nakakatuwa ang araw bukas, hindi dahil sa distribution of cards, kundi dahil sa may isang tao ang manlilibre sa akin sa chowking. :)


isang masterpiece na maari ko, at ng aking grupo sa pre-calculus, ipagmalaki ay ang likod na parte ng aming silid aralan. ang parteng iyon ay tinakpan namin ng mga ginupit-gupit na papel de hapon, at pinuno ang ding-ding na ito. nakakatuwa, kasi makulay :) at sa unang pagkakataon, ang ideyang yun, ay maganda naman ang kinalabasan.

-kung matatandaan ninyo na sa iba kong posts dati, sinabi ko na bakit kapag ako ang nagiisip para sa sarili ko ay hindi maganda ang kinalalabasan nito?


wala na kong load. marami na ang nag-g-gm, at dahil doon gusto ko nang magkaload. pero pinangako ko sa sarili ko na sa sabado ako mag-lo-load.


nakakatuwang isipin na maswerte nga ako sa magulang ko. bakit kamo?

mabait sila. mabait talaga. kahapon ay sinabi ko sa mudra ko na wala na ako sa top 10. nakakatuwa ang kanyang reaksyon...

"sus, yun lang???!!! eh may next quarter pa naman eh."

ang tatay ko naman...

*no comment*

hindi man lamang nagsalita, kahit isang salita lang! pero hindi siya galit.

ang mga magulang ko nga naman. masyadong mabait, wala silang pakialam kung bumagsak ako. mas concerned ata sila sa aking college education. niyek! ka-cornihan ko na naman.


gusto kong mag-share sa inyo ng ishinare din sa akin ng kapatid ko. ang salitang ek-ek (e.g. ka-ek-ekan na naman ni mitzy) ay nanggaling sa italian word na eclat na ang ibig sabihin ay great brilliance. kaya naman pag sinabi ito sa inyo, dapat ay matuwa kayo, at hindi mainis.


gagawa pa pala ako ng talata sa ingles, na ang topic ay 'exemplification'. pati na ang pinapagawa sa 'kin ng ibang tao, ang seat plan ni ederlyn. paalam!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home