<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/35325779?origin\x3dhttp://mitzyyyyy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

12.29.2006

year-end post. (kung wala si...)

uhh. before 2006 ends, i'd like to make a post about 3-archimedes. my second to the last family. hehe. aww next year grad na tau!! :((


wala lang. nakita ko lang to sa blog ng isa sa mga idols ko sa spcp (anapat miravite) and naicpan ko na maganda rin siya na i-post sa blog. hehe.
so 3a.. wag sana kau ma-offend ha. hehe. :) blog ko naman eh.
  • kung wala si kristoffer "tope" - wala akong kaaway for 6 months. haha! joke. hindi magiging ganon kalively buhay ko, or walang clown sa vb. ayie! hehe. tapos wala rin badminton player ang 3a, at walang best in mapeh ng 2nd quarter. ayos! wala rin akong close friend na lalaki sa room. :) tapos hindi rin mabubuo ang vb. ayie! mababawasan ang mga liga ng jitarista sa 3a. magling to mga dudes! wala rin ka-ano si rhazel. ayii!! mawawalan rin kami ng kasama sa mga evilness mode namin.
  • message: kumain ka naman! hehe. :) wag maxadong pikon. :P

  • kung wala si dante - walang moo si ano. hehe. walang ring clown ang archimedes, walang mangaasar kay kyle (which is actually good for him. JOKE.) and walang mag-lea-lead sa mga dance ng mga boys sa archimedes. haha! walang soulmate si gempyl.
  • message: don't ever change. stay wacky. maging strong ang pagsasama mo. at ni ano. ayon. basta. hehe. :)

  • kung wala si joseph "jotep, otep" - wala akong ma-she-share-an ng mga feelings ko. mababawasan ako ng kakulitan na lalaki sa room, walang vice president ang archimedes. walang aasarin si kristoffer kay carla. nyehe! mababawasan rin ang mga henyo sa math ng 3a. mawawalan ako ng kasama sa evilness mode namen.
  • message: stay the same.. bawasan ang pang-aasar. bawasan din yung pang-do-down sa sarili. hehe. maging masipag, at wag akong gayahin. :)) yung mga napagusapan natin about things and people.. wag mong iblab huh. at saka sana pagnagtetext sau ung mga tao magreply ka naman, mapa-ym o cp. :D

  • kung wala si marlon - walang SUPERREGIONAL ang archimedes! hehe. wala nang super genius sa 3a. tapos walang magreregalo sa kin sa Christmas party. huhuhu. joke. wala rin ang mga masasarap na pagkain na dinadala ng mom niya tuwing may school events. walang magtuturo sa mga maths and sciences. at hindi mauuso ang linyang, "bawal ang magtanong!" wala rin magtuturo samin tuwing physics! ahaha!
  • message: bawasan ang pagiging mainit ng ulo. wag masyadong magyabang. :)

  • kung wala si mar john "mj" - walang representative si sir patty sa scidama. nyak! mababawasan ng matalino sa math ang 3a. tapos mababawasan din ng marunong sa LAST group ng precalculus.
  • message: stay masipag! wag masyadong pikon, and be generous, but know your limits. hehe.

  • kung wala si rommel - syaks!! wala akong aasarin na HENYO! mababawasan yung mga lalaking makakausap or makukulit ko. walang CORNY! walang mangaasar saken (yehey!) at syempre mababawasan ng HENYO at MATHalino ang archimedes. wala rin 3rd year chairperson na kasing galing niya. ayiie!! wala rin maaasar na loveteam ni kim ng mga 3rd year at teachers. hindi mabubuo ang kim-mel, trix-el, at rome-ly. at last but not the least, walang COUPLE of the year ang 3a. nyaha! tapos mababawasan din yung liga ng mga magagaling na jitarista. grabe. LOOPETS mo pre! at saka, ano yung color na favorite mo? hallor. color ba yun? so ewan ha. may pagkaweird ka rin pala :)) tapos wala rin magtuturo samin sa physics! :))
  • message: stay smart, HUMBLE and CORNY. we like the way you are. pero alam mo, wag kang tamad!! wag mo kong gayahin, promise. ikaw pa rin para sakin ang valedictorian. nax. henyo! :)) mahal ka ng 3a. especially kim! :D

  • kung wala si kyle "bunot" - wahaha!! first of all.. wala kaming aasarin na bunot sa classroom!! nyaha!! walang pagtitrpan (peace!). walang magaling (weh? nax!) na treasure sa room, mababawasan ng COMEDIAN ang archimedes, at walang secretary si mrs. belza. haha! ayy. wala ring asawa si mark.. hehe! tapos wala rin kaming makukunan ni diane sa camera ko. huhuhu :( tapos si jean at katrina, walang ka-loveteam. walang maaasar kay jean at katrina. walang inspiration si jean at katrina. ayy nga pala. wala akong makukunan ng video last year yung kay maam duigan!! remember??
  • message: kyle, stay patient. magandang image mo ang hindi ka pikon. kaya ka nagugustuhan eh. ayie!! tapos pag may gusto kang sabihin kay jean, sige lang go. wag kang mahihiya/magpapaapekto sa mga tao na nangaasar sayo. yess naman! pahabain mo buhok mo, kasi don ka nakikilala. gupitin mo lang pag may stipend! :)) mahal ka talaga namin!! :D

  • kung wala si mark "oris" - wala rin akong kaaway for 6 months! nyehe. uhhm. mababawasn ang isa sa mga closest lalaking friends ko sa room, at wala akong mapag-she-share-an ng feelings/secrets. walang asawa si kyle! mababawasan ang comedian sa room pati na ang magagaling mag-lettering sa room, at ang mga artistic sa room. ahehe! wala rin akong caring na enemy. oh diba san ka nakakita nun? let me share you this thing na nangyari nung magkaaway pa kame, which really touched my heart. nung night na nawalan ako ng fone (august 10, '06), parang he was one of my groupmates in stat who were at precy's house, na tinulungan akong maghanap nung fone ko. (miss it.) kahit magkaaway kami, still he thought of it. thanks pare. :) ay nga pala, hindi mabubuo ang vb kung wala si mark. tapos mababawasan rin yung mga magagaling sa computer sa room. mababawasan din yung mga magagandang voices of 3a! wuhu! wala ring comedian sa room. sobrang magaling din magjoke nito. nadadala niya kahit corny. uhh, wala rin akong friend na magaling magvolleyball. ayos!
  • message: mark, thanks for everything. basta. everything. stay the same, and take care of yourself! always. we love you. hehe.

  • kung wala si arthur - hmm. walang maingay sa 3a. walang maninita ng futrugs (yehey! JOKE.) at walang emcee na kasing lively ng boses mo. haha! mababawasan rin ang mga alpha kapal muks ng 3a. walang comedian ang 3a. mababawasan din ang liga ng mga magagaling maglettering at artistic ng 3a. walang mabubuong artista group sila joseph! haha. ata? best actor ka kasi eh! galing galing.. tas walang dadee sila diane at laiza.
  • message: takbo kang ssg! haha. uhmm. wag na maxadong mag-criticize ng mga bagay bagay, it's not bad to criticize things, the only thing wrong about it is when you become insensitive of the feelings of others or kapag hindi na tama yung mga sinasabi mo. yun. tas respect elders. :) wag naman magdrama. haha! tapos wag kang sumabat kapag hindi ikaw yung kinakausap.

  • kung wala si vermon - wahaha!! walang poste ang 3a. hehe! mababawasan rin ang mga magagandang voices ng 3a. tas mababawasan rin ng matulungin. aww. alam kong matulungin ka. mababawasan din ng mababaet sa 3a.
  • message: aun. vermon. hehe. alam mo stay the way you are: willing to help others. lalo na kapag general cleaning!! binigyan ka ni God ng height. AYOS!! joke lang. :) basta. mabaet ka at yun na yun.

  • kung wala si gracious "gresya, gracy" - wala akong makakatext hanggang madaling araw!! :D tapos mababawasan din ang liga ng mga artistiko sa 3a. wala rin akong matatanggp na mga gm na di ko maintindihan. pero yung ibang gm mo in fairness. may sense ha. gusto ko yung, "when was the last time you did something for the first time?" hindi siya brain bleeding, parang naaliw lang ako ehehe. wala rin akong maririnig na makulit na tawa. at walang tutulong kay arthur na magbuhat ng cake box nung nasa sm tayo. ahehe!
  • message: uhh stay who you are. nakakaaliw kang tao. yun lang :)

  • kung wala si ederlyn "edz" - wala akong partner sa term paper! nyaha! aun. wala akong close friend na katulad niya. tapos wala kaming maaasar na dalagang pilipina. ayos! hehe. wala rin tatawa sa mga corny kong jokes. waher! mababawasan ang mga kaya kong sabihan ng sikreto na mga tao. hindi mabubuo ang vb. walang pro ang 3a. walang susuway sa mga pasaway kong kaklse (minsan). wala akong kasamang gumala hanggang gabe. ayon! :D wala akong makakatext na walang kwentang bagay. basta alam na niya yun, at wala akong ma-hihingan ng pabor, na madaling pumayag. ahehe! wala rin akong kokopyahan ng notes sa zoo. mawawalan ako ng kasama sa evilness mode namin. :)
  • message: haha edz. helow. yun lang. JOKE. uhmm. wala lang. wag maxadong mamilit at times, and bawasan ang pagiging bosy. yun lang. wala naman akong masabe talaga. :))

  • kung wala si alysza "ally" - walang ano sa room. hindi ko makita yung tamang term na babagay dito! parang matapang na wacky na ewan. tapos mababawasan din yung mga happy-go-lucky students ng 3a. yung parang dehinz nagaaral. pero ang tali-talino. yung ganon. mababawasan din ang mga masisipag ng 3a. yun. :)
  • message: hehe. ally, hello. interesting kang tao. stay that way. keep smiling! :)

  • kung wala si jean "jeanique" - nako, patay tayo! walang tayong maasar na corny, wala n bang ibang joke? o di kaya KYLE! haha! CORNY! anyway yun nga, walang corny sa room, at "corny of the year" sa Christmas party. ayun. tapos mababawasan din yung mga masisipag ng 3a. mga creative ng 3a. wala ring ssg president next year. ayie! haha. walang inspiration si kyle. si mariano. at si ano. haha. basta. tapos walang mudra na tutulong sa pagpapaganda ng room. walang magdodonate ng fan. wuhu!
  • message: jean. mabaet ka. minsan nga lang sumosobra. ahehe. learn to say no. wag mahiya. minsan napapansin namin na inaabuso na nila yung kabaitan mo eh. yun lang. stay CORNY!

  • kung wala si precious "precy, prelatin" - walang artistiko ang 3a! walang isasali sa 3rd year sa mga poster making thingies sa division level chuva. ayie. walang mangangarir sa filipino. walang kambal si arthur, walang maasar ang 3a, at walang manonominate sa mga kakaibang awards ng 3a sa Christmas party. yess naman. sexy of the year!
  • message: uhm. precious, bawasan ang pag-smile. kasi minsan nakakaasar. tapos wag rin maxadong mainit ang ulo, or hb sa pagsagot sa mga tanong ng mga kaklase. pag humihiram ng bagay magpaalam. wag lang ung basta basta mangingialam. yun lang. :)

  • kung wala si katrina "kat, idol" - uhhmm. xempre wala akong idol! ayie. haha. wala akong katulong don sa anal geom project namin til the end. ayos! tapos mababawasan din yung mga creative sa room. waha! hindi rin magiging balanse ang room kasi walang tahimik. ayon. walang ka-loveteam si kyle! oh yes, walang songbird ang 3a!
  • message: alam mo ba kat, ang mysterious mo. haha! alam kong hindi ka tahimik, pero sa tingin ng marami tahimik ka. haha!! wala lang. try to make noise. stay mabaet, and patient. love ka ni kyle ;)

  • kung wala si jade - walang magreregalo sakin sa Christmas party! haha joke. mababawasan yung mga masisipag sa 3a. ang lupit magnotes nito pre!
  • message: jade. inggit ako sa figure mo. sana ako rin ganyan kapayat. :D anyway. stay masipag. i like you for that. :) at saka be more confident. hehe. kailangan yan. wg mahiya.

  • kung wala si gempyl "gem" - walang president ang 3a! walang soulmate si dante (same birthday kasi sila eh). tapos walang mangaasar sakin nung first year ng malabo girl! ahehe. mababawasan ang masisipag sa room. wala akong kakatakutan kapag nagalit. ewan, i'm scared of this girl pag tumataas voice niya. dunno. may something eh! :D
  • message: uhmm. gempyl. haha! stay masipag. ewan. ang astigggg mo. yun yung tingin ko sayo. :D

  • kung wala si rose - mababawasan campus idol ng 3a! ayie! ehehe. mababawasan din yung mga magagaling sumayaw sa 3a. she's good. promise. tapos mababawasan din yung mga singors ng 3a. mababawasan ang talented students ng archies. mababawasan yung mga active students din ng 3a. hindi mabubuo ang cyborgz! :P
  • message: rose. uhmm. ang talented mo, elibs ako. make use of your talents. yun lang :D

  • kung wala si anne - wala akong blogmate. blogmate - ka-blog. waha! tapos mababawasan yung mga magaganda sa room. ang simple ng mukha pero ang lakas ng dating. tapos for me, hindi magiging balanse ang 3a kasi tahimik ka. yun yung nakikita ko ah. tapos ang sipag mo pa. tapos walang mag-g-gm sa cellphone ng mga meaningful kowts, or chuvaness. basta. :) walang mapagkakamalang 'de leon' ni sir dawe. hehe!
  • message: stay masipag. and palaban. that's one thing i like in you. and charming. ay mali. hindi pala charming. kasi charming ka na eh. hindi na mababago yun. ayie!! hehe..

  • kung wala si rowane - uhm.. mababawasan xempre maganda sa 3a. pati yung mga talented - singing, dancing, arts, academics and deportment. waher.! pati nga pala heartthrob ng archies. tapos pati na rin yung mga masisipag sa 3a. astig! walang fashionista ang archies - simple pero rock! at huli sa lahat, walang mamahalin si ANO.
  • message: mag-ingay ka naman! ahehe. yun lang :) stay who you are. don't ever change. mahal ka ni ANO. whoever he is. :)

  • kung wala si janine - mababawasan ang liga ng mga artistic sa 3a. walang song-writer-composer-slash-poet ang 3a. walang letter na mabibigay ang 3a nung nagalit si maam miranda samin. mababawasan rin ang mga masipag samin. ahehe. mababawasan rin ang mga pwede kong tanungan about school stuff kasi parang alam niya lahat. ahaha!
  • message: uhmm. janine. idol kita pagdating sa music. yeahu! yun lang. :) mag-ingay ka din naman! ahaha.

  • kung wala si vikki - walang mag-a-admire sa kagandahan ng my lavs niya. waher! wala akong ma-she-share-an ng mga feelings/secrets sa girls, lalo na nung time na sobrang walang wala ako. walang magaling na secretary ang 3a. mababawasan ang mga responsable, concerned-sa-archimedes, masipag at creative. walang mag-vo-voice-over sa mga puppet shows (kung voice over ang tawag dun?), walang one-woman-one-hundred-voices.
  • message: vikki. thanks. sa alam mo na yun. waher. tapos naman, pag bawal sau bawal sau. alam mo kinakabahan ako pag tuwing inaatake k ng sakit mo. grabe. sobra. kahit di ako makalapit concerned ako. grabe. nakakakaba! :D tapos stay who you are. wag nga lang maging maxadong moody. ayon lang ;)

  • kung wala si kimberly "kim, kimmel, trixel, mrs. shelter, mrs. masilungan (whoa! phew. dami nun!)" - uhh. xempre. mababawasan ang matalino sa girls! hindi mabubuo ang ika nga ni chito na, "smartest COUPLE of our batch". tapos walang inspiration si rommel. walang ka-love-team si rommel. walang maasar kay rommel. walang matatawag na ipis ang archies. walang mag-se-save sa group namin sa zoo! haha. ganon. joke lang noh. shemai ang galing galing mo sa zoo. mababawasan din ang masisipag at talented ng archies. wala akong makakatext ng mga nonsense things. wala rin magtuturo samin sa physics! :)) hindi rin mabubuo ang grupo namin sa zoo.
  • message: kim, minsan, nakakatakot ka. lalo na kung wala ka sa mood. ayon lang. :)

  • kung wala si lea - uhmm. wala akong kaaway nung late-first hanggang late-second year! haha. wala akong iilangan sa room nong mga times na yon. at walang keanna reeves ang room! mababawasan rin ang mga masisipag at responsable sa room. :) hindi rin mabubuo ang grupo namin sa zoo.
  • message: uhmm lea. wala lang. stay the same. wala akong masabe. :)

  • NAKO NAMAN! kung wala ako: malamang, wala kayong nababasa ngayon na ganito! nyaha. joke. uhmm. abgo ako magpatuloy, gusto kong sabihin na hindi ko naman ibig sabihin na masaya ako kung hindi ko kaaway yung mga sinabi kong, "wala akong kaaway...". don't take it wrong. parang take it as an experience of mitzy okei? ahehe. siguro kung wala ako, di masaya 3a. boring 3a. nyaha! joke lang. ewan. kayo anong tingin nio?

  • kung wala si nory - wala akong masasabihan ng feelings/experiences ko. walang ms. bangag nung first year. walang ms. iyakin nung Christmas party. di mabubuo ang angelz. mababawasan ang mga masisipag (mag-notes) at talented sa room. mababawasan din ang heartthrob. ayon. walang religious girl ang 3a. sobrang close niya kay God, blib ako. hindi rin mabubuo ang grupo namin sa zoo. walang makasabay na pauwi at times. hindi mabubuo ang cyborgz! :P
  • message: uhmm. wag maging oa. no offense. stay close to God. nakakainspire yung mga taong gaya mo. :)

  • kung wala si diane "yani, yian" - wala akong pipicturan. haha! mababawasan ako ng closest girl friends ko sa room. wala akong masasabihan ng nararamdaman/experiences nung mga times na. alam mo na. haha. tapos walang moo si ano. haha. no ba yan. bulgar talaga ako ah! tapos walang magkakacrush sakin. :)) mababawasan din yung mga creative sa room, mga singer at dancer. ayie! wala rin kaming leader sa stat. awoo! :D
  • message: uhm.. diane. minsan, wag kang mamilit ng tao. ayon, pag ayaw ko. ayw ko. minsan din kasi nakakainis na pinipilit mo ko kahit ayoko. wag ganon, no offense ha. yun lang ayaw ko sau. :) stay the same. sana maging strong pa yung pagsasamahan ninyo.

  • kung wala si pauline "pau" - walang papalit kay maam resu sa apan! haha. mababawasan ng mganda sa classroom. tapos mawawalan kami ng isang magaling na mananayaw! wuhu! mababawasan din yung mga masisipag sa room. at magaling na filipino president.
  • message: wag maxadong madamot. hehe. wag din maxadong i-down ang sarili. hindi kasi maganda sa image mo yun. yun lang. :)

  • kung wala si laiza "ellie" - mawawalan kami ng isang alpha kapal muks sa room! walang lively na emcee sa mga chuva programs sa room. walang kapartner si arthur sa pag-e-emcee. walang maasar kay dennis, walang maasar kay james. hindi namin makikilala si dennis at james. mawawalan kami ng mga magaganda at kakaibang mga ideas sa mga role play at school activities. mababawasan ang mga talented at artistic sa room. mawawalan ako ng isang kaibigang sinasabihan ko ng mga feelings/sikreto. hindi mabubuo ang vb. hindi magiging lively ang mga roleplay. at mawawalan kami ng kikay sa room.
  • message: ang galing mo. idol! haha. uhm minsan rin wag maging mapilit. ang galing, once lang kita nakitang wala sa mood. yung nawala yung chem notebook mo. elibs ako sau, close ka kay God. and that's one thing i like in you. tapos stay the same, alam kong magiging successful ka kasi wala kang hiya. don't take it wrong. basta. yung promise natin next year ha? hehe dont forget. ayon. take care. :)

  • kung wala si joyseline "joyse, js" - uhmm. wala akong partner sa zoo! ahehe. para sakin din, hindi magigng balanced ang room, kasi mawawalan ng isang tahimik sa room. hehe. hindi rin mabubuo ang grupo namin sa zoo.
  • message: sana mag-ingay ka.. :) ahehe. tska wag ka nang mahiya. yun lang. :) tska don't hide your face. nakakatihan ako sa ayos ng hair mo. no offense. ahaha!

  • kung wala si rhazel "zhel" - walang ka-loveteam si tope. ayie! tapos yung parang kay ally. parang matapang na wacky na ewan. tapos mababawasan din yung mga happy-go-lucky students ng 3a. yung parang dehinz nagaaral. pero ang tali-talino. yung ganon. mababawasan din ang mga masisipag ng 3a. mababawasan yung mga talented, at heartthrob ng 3a.
  • message: ang ganda ng mata mo! stay the same. :)

  • kung wala si carla "ate yex, mia" - wala akong matutuluyan nung group study nung second quarter periodical exams! haha! tapos wala akong mashe-share-an ng mga feelings/experiences nung mga times na alam mo na yun. haha. wala rin akong makakakulitan, maaasar. walang bata sa 3a. haha! walang maasar si topepe kay joseph. wala akong maasar na mahilig sa choco men. ahaha! ASTADAN!! yeahu! wala rin kaming kasabay ni nory umuwi minsan. hindi mabubuo ang cyborgz! :P mawawalan ng isang cute sa 3a, pati na talented. ganda ng zoo journ mo! ayie! hindi mabubuo ang angelz..
  • message: carla. stay cute, and small. joke. haha! basta. parang nga napansin ko parang nging moody ka? ewan. uhmm take care of yourself..

  • kung wala si ma'am rowena miranda-mangaliman - walang makakalala sa birthday ko! mawwalan ako ng isang babati sa bday ko. nyek! haha. kadate ko kasi yung date na kinasal sila eh. ayon. tapos walang makakapagimprove sa 3a. walang mother ang three a. walang magaling sa pre-cal. sa math. walang cute na cute na teacher. hehe!
  • message: uhmm. maam. kung mabasa niyo to. i wish you stronger relationship/bond with mr. mangaliman! ayon. and. take care always. :) sorry po sa mga nagawa ko, at namin.

  • kung wala si ma'am lydia valmores - wala kaming shock absorber! wala rin kaming second mother. mababawasan kami ng isang cute na cute na teacher. mababawasan ng mgalng sa english. tapos walang makakausap ang 3a kapag nagalit samin si maam miranda! :D ahaha.
  • message: uhmm. maam. hehe. if ever din na mabasa niyo to. stay the same po! we like you who you are. stay wacky, and COOOL. :D

sorry nga pala kung maling color yung sa part niyo. hindi ko naman kasi memorize mga favorite color ninyo. haha! :D

haay!! 3 hours kong ginawa to! at last tapos na ko. tuyong-tuyo na mata ko. kaya sorry na lang sa mga maling spelling. ayon. uhmm. kaya year-end post ito kasi, baka hindi na ko makapost sa december 31. wla lang. what makes 3a 3-archimedes are its students. ASTIG pa rin ang 3a s.y. 2006-2007. da best!

loveyouguys:)

12.23.2006

my dream cellphone.

so yesterday, as soon as i got home at about 7 pm from sm megamall after our christmas party, my mom and my brother left, and told me they were going to sm megamall too. my father was given a gift check from sm, and they thought of spending it for some Christmas gifts.


tapos i was so hungry at the time they left, and nakatulog ako sa gutom!! haha!! imagine noh.. they got home at about 11 pm..


tapos nung nakarating cla nagising ako, and my eyes were still closed at that time. pero i was conscious. and i heard my mom screaming at my brother to go downstairs, kasi umakyat siya agad pagkadating niya, parang nagmamadaling ewan.


yun pala may cellphone na!!
pero sa nanay ko nga lang. =p


imagine, akala ko bibili lang sila ng regalo para sa mga pinsan namin.. un pala.. yan na.. daya.. hehe.. pro ok lang... bhala sila.. :)


pero ang bilis nun ah! :)


12.22.2006

christmas party.

so christmas party namin ngayon. eto ang pinakakakaibang christmas party na na-attend ko. and this is the happiest christmas party. uhh ang galing, isang game lang ang nalaro namin. pero tawa kami ng tawa!! as in nag-enjoy kame. agawang buko ng lalaki. grabe!! kung pwede ko lang talaga na i-video yung agawang buko nila.


tapos yung cake na dinala ko hindi nagalaw. hehe! inubos na lang namin sa sm megamall with arthur, graceous, sam, janna, edz and jc. hehe! sinita nga kami nung guard eh, kasi wala kaming plates. tapos wala kaming nagawa kundi manghingi ng mga plato sa mga stores don sa food court. ang kapal eh noh, hindi nga kami bumili ng food doon eh! :)) bastos!


so ang ginawa namin, umalis na lang kami doon, kasi sobrang pahiya kami. tapos naglibot libot kame, buhat buhat nila arthur at graceous yung cake box, na kasing laki ata ng 1/4 illustration board. hehe. ang kulit nila. ang walang kwenta ko nga eh, ako nagdala, sila pinagbuhat ko. epal ko noh?


in the end, binigay na lang namin yung cake box (with the cake of course) sa street children doon sa may malapit sa starmal. aww, touching ba? :D


it's the spirit of Christmas. Christmas is a time for sharing, diba?

(it's worth the money. :)


I like panky trinidad's (from pinoy dream academy) song, "Behind those eyes".


The shadow lies a bit too long across my path
And it bleeds too much on blue grey gutters and fireflies
Black and cold into my shoes turn my skin blue
A little spider crawling out to weave around my heart in moonlight wind

And when you see my eyes, does your heart receive these words in mine
And when you close your eyes, do you see me in these dreams I hide
If I could steal one thing, I would grab your heart and make it mine
For your heart

Little thoughts and feelings found behind those eyes
I refuse to know the truth, to know the reason why you and I can never be
I try to build a wall, try to heal the hurt inside
But it pains me even more to know that it’s too late, that I’m too late

‘Cause I can’t see your face every time I gaze those skies when I cry
Doesn’t feel so right but you can never be mine
Make it mine

Does your heart receive these words in mine
Do you see me in these dreams I hide
I would grab your heart and make it mine
I would grab your heart and make it mine


ok.. we also had a mini-celebration-slash-surprise for Laiza since she is celebrating her birthday today! fortunately, though it was spontaneous, all things turned out the way they should be. and we were able to make laiza happy, despite that 'thing' that happened to her kanina. once again, happy birthday laiza!!:)


RANDOM THOUGHT: SILA na ba? Need to go. bye!:)

12.21.2006

Christmas parteh!

yeah!! it's our Christmas party tomorrow. sooooo excited. hehe. but i'm partly sad, because i won't be able to give gifts to all of my friends. di bale, i'll make bawi na lang next year! *hehe, arte!*


so mom and i did some last minute shopping for my accesories. haha! selfish. and sobrang sikip sa sm. haha! we almost forgot to buy cake, which is my contribution to the party tomorrow. patay tayo diyan! :D


good luck na lang sa ating lahat tomorrow!


kapag pumunta ka kaya bukas, malalaman mo pa kayang ako yun? maraming nag-iba. pero ako pa rin ang nakilala nung una tayong magkita. sana huwag mo akong i-isnob. :)

12.17.2006

cramming!

so sa hinaba-haba ng oras ng free time ko, simula nung friday (half-day kami noon).. hanggang ngayon, ay wala pa rin akong ginagawang matino, aside sa pagpapapagod sa mata ko sa kakahanap ng mga sagot sa zoology homework namin (na 9 pages, at puro tungkol sa bones). imagine, hindi ko pa tapos hanggang ngayon. ibahin niyo ako sa iba kong kaklase, na masisipag, at mga expertong mag-manage ng time!! wuhu!!


birthday na ng aming adviser na si mrs. mangaliman bukas, na unfortunately, galit pa rin sa amin. grabe kanina, nung mga bandang 6:00+ ko na nabuksan ang fone ko, at nakita ko yung mga messages ng dalawa kong kaklase na sina anne at nory, na nagtatanong kung sino ang pwedeng bumili ng cake para nga sa kanya. so ako, gusto ko sanang bumili, kaso c papito, nasa divisoria, bumibili ng mga kachorvahan namin sa buhay. haha! so wala akong kasama, until nung naisip ko na what if ako na lang ang bumili ng cake? tapos kasama ko si nory? tutal, malapit lang ang bahay niya sa amin, at sigurado naman na papayag ang mamita ko na bumili ng cake para nga sa adviser namin. pumayag naman, at partida, alam pa niya na galit sa amin ang adviser namin na iyon. ang galing nga eh. mahal ko mamita ko. YEHEY *JOSEPH*, haha!


so sinabi ko kay nory na payag ako, pero sasama dapat siya. umalis kami at about 7 pm. tapos dapat tutuloy kami sa goldilocks sa barangka. pero sabi ni mamita, sarado na iyon ng ganoong oras. so no choice, sa sm kami pumunta.


sa goldilocks kami tumuloy, pero tumingin kami sa red ribbon. AY SOSYAL! ang mamahal ng cakes doon. 5oo lang ang dala ko, at hindi kasya yun sa mga cakes ng r.r. nauwi kami sa goldilocks, at pinili ang triple blah blah. hindi ko alam pero ang flavor yung chocolate. in fact, tumawag pa kami ni nory kay gempyl, kasi meron akong gusto. meron din gusto si nory, kaya hindi kami makapagdecide. yung akin kasi, mas stylish ang dating, pero yung kay nory, mas masarap ang dating, so nanalo yung kay nory. pero yung sa kung anong message ang i-susulat doon sa cake, ako ang nanalo! hehe:


Mrs. Mangaliman,

Happy Birthday!
Love, 3A

P.S.: We're truly sorry.


oh diba? hehe. kinakabahan ako sa magiging reaction niya doon sa cake. kung yung letter nga na ginawa namin, hindi niya binasa, paano pa kaya yung cake? pero naniniwala ako na hindi niya ma-re-resist yung temptation ng cake. cake yun eh. mahal yun. higit na mahal kaysa dun sa mga cartolinang ginamit namin.

OPINION KO LANG TO HA? hindi ako naniniwala na hindi niya binasa yung letter. in the first place, paano naman niya malalaman na sorry letter yun, kung hindi niya binuksan yun, diba? malay niya, report lang pala yun, pero in fairness, kung report man yun, ang sosyal ha. nakatali pa. hehe.


anyway, mayroon kaming three activities for our filipino portfolio. as expected, wala pa akong nasisimulan. ang galing, hindi ba? :) tapos may design pa iyon. hehehe.


kinakabahan ako bukas, parang may mangyayari pero hindi ko pa alam kung ano iyon.
-mag-absent na lang kaya ako bukas?

ay wag. hindi pwede. maraming makakamiss sa akin. BLEH!! asatots. ang yabang naman nito.


kanina, may nalaman ako. wala lang. kung ano man yung nalaman ko, ang galing ko talaga. hindi nga, totoo. matagal ko nang nararamdaman yun. at na-confirm ko ngayon lang na totoo pala yun. at nahuli ko pa yung informant ko, kasi noong una, ayaw pa niyang sabihin eh, eh in one point ng pangungulit ko, nadulas, ayon. BISTO! :D

-->kung sino ka man, don't worry, hindi ko ipagsasabi iyon.


ang lapit na talaga ng christmas party. speaking of christmas party, ang cute. ng isusuot ko. wala lang, para sa akin cute siya. color green, na olive. hindi yung gusto kong green na light, kasi hindi bagay sa akin ang ganoong kulay. basta, surprise na lang. first time niyo makikitang mag-ganon ako. waher!!


kanina, nag-soundtrip kami ng kapatid ko. sa kwarto. nagandahan ako sa song ni panky ng pda, yung "behind those eyes". baduy na kung baduy, jologs na kung jologssss. pero para sa akin, cool ang jologs para sa inyo. *huh? gets? :D*

ang daming LOVE SONGS ngayon na nakakrelate ako. haha. does that mean may love life na ako? no. not necessarily. nyek!


ayan, bumalik na naman siya. ang galing ng timing. gusto ko na siyang makita. miss ko na siya. it's been 2 years since i last saw him. did i actually see him? no, erase, erase. it's been 2 years since i last felt his prescence. tama naman diba? iba ang 'see' sa 'feel (his prescence)' - pwedeng hindi mo makita ang nafi-feel mo. katulad ng multo. diba?


minsan, malabo rin akong tao. minsan, weirdo ako. yung tipong kakausapin ang sarili sa blog. tapos magpaparinig, pero hindi mo naman maisip kung sino ang pinaparinggan ko. hehe. mahilig rin akong mangbitin. maraming naiinis sa akin sa ganong ugali ko eh. bakit ba. mahilig nga ako sa guessing games, at suspense.


kanina nga pala, nung pauwi kami ni nory, may nakita kaming mag-asawa. papasakay na sila sa bus. pero pasaway ang lalaki, LASING! hinihila ng babae. humiga ba naman sa lansangan. pinagtitinginan tuloy sila. grabe.


hanggang dito muna.
salamat sa pagtiyatiyaga mo na basahin ang walang kwenta kong post. :)

12.15.2006

half-day today!

so half day kami ngayon. pero hindi 12 noon ang uwi ko sa bahay. 5. yan ang half day sa akin! teachers from different school in mandaluyong had their christmas party in our school. and then kaninang umaga, there was this pamaskong handog thingy for the street children. ang kulit nga eh, i was the one who reminded my classmates to bring goodies for them, pero ako mismo nakalimutan kong magdala. :)

one thing i forgot to share with you yesterday. so my baon (allowance) in school was only php 5o. for yesterday only, because i forgot to ask my parents monee. :) 5o pesos was the money left dun sa baon ko nung wednesday. so hindi ko alam kung pano naubos yung 5o pesos na yun bago mag-uwian. tapos grabe. i was out of monee. talaga. as in ZERO (0) hindi ko nga nabayaran yung pamasahe eh. SHHHH! :D sorrie sorrie. :D


so kanina, we saw again the dancing teachers. haha. ang cute ;p i brought my camera kanina, pero i did not use it din naman. sayang. ang bigat pa naman.


i'm worried with this friend of mine. kanina, she lost something, and i did not know what to do. i'm so sorry talaga, i'm sorry i never had time to help you, i'm sorry i never reacted to anything you said, i'm sorry i did not do anything, i'm sorry na inuna ko ang pagsagot sa zoology kesa sa paghahanap mo nung bagay na yon, isa akong walang kwentang tao. nako-konsensiya tuloy ako. to whoever you are, hahanapin ko yun sa monday. :'(

tapos she went home crying, like everyone she met never existed, and like she doesn't hear anything. kahit isigaw mo pa pangalan niya, wala lang sa kanya. so?


grabe. i don't know if i should be happy dun sa zoology notebook. mixed feelings. mejo inis kasi napuyat eh. no offense ha? feeling ko naman, eh nails nga lang natapos ko eh :)) ang epal ko no?? pero more on happy, kasi next year na isusubmit yun, and i still have time to fix 'em.


pressure week. i have to:
  • do a research work in physics
  • another research work in physics
  • TERM PAPER IN FILIPINO
  • notes in history
  • notes in physics
  • notes in zoology
  • Christmas party
  • buying new clothes for Christmas party (weh!) hehe:)
  • the upcoming math month.
  • finish my requirements in English.
  • Filipino portfolio

aaahh!! sabagay, as what we say, we are best in cramming. :D

siguro, kinakarma lang ako. ilang araw na ako nakaka-8-or-more hours of sleep eh. gets? anyway 3 more months to go before summer vacation. i can't imagine, dati hindi ko maisip na ang bilis bilis ng oras. pero kung kelan december, tska ko lang naiisip na ang bilis ng oras. siguro ang naiicip ko nung june ang layo layo pa ng march. kaya naiisip ko rin na ang bagaaaaaaaaaaaal ng oras. pero kung tutuusin, ang bilis grabe!! parang kahapon, nag-e-entrance exam lang ako sa mandscie. bukas, hawak hawak ko na ang diploma ko! :(

pero sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung anong course ang kukunin ko sa college. :))

tandaan: kapag paulit-ulit, NAKAKASAWA na!

12.14.2006

so so..

so there.. post lang ulit ako. pero mabilisan lang, i'm in a hurry, i need to do my notes in zoology..


bakit ganon noh? kampihan. uso yun!! lalo na sa school. kapag kaaway ng isa, kaaway ka na ng lahat. ang galing noh? malaman lang nung kaibigan na merong galit sa kaibigan niya, aawayin na rin niya, although wala namang ginagawa sa kanya. kaya nga medyo sumasalungat ako dun sa kasabihan na, "kapag inaway mo kaibigan ko, humanda ka sa 'kin.." - not TOTALLY, medyo lang. human nature na na ipagtanggol mo ang kaibigan mo sa mga kaaway niya, kahit alam mong siya ang mali. bakit? kaibigan mo yun eh.. siyempre gusto mong manalo.


ops.. tinamaan ka? dahan dahan ha?
malai mo.. hindi ikaw yun. :)


nakakainis.. we have this teacher na hindi ko maintindihan. ang moody. biglang magagalit. it's senseless, although we know why he's mad at us. sana sinabi man lang niya yung reason kung bakit siya nagalit sa amin. basta. ganon.


ok, 8 days na lang bago ang christmas party namen. hindi ko pa alam ang gagawin. shucks.


kanina we had our report in zoology. we were assigned to report about athlete's foot. ok lang. nasagot namin yung mga tanong. pero hindi lahat tama. :)) may isa pala kaming hindi nasagot. thank God.. nakita ko yung isang sagot sa internet na tinanong ni mrs. fabon kanina. i wasn't supposed to include that info on my report, pero parang may feeling ako na dapat siya ma-include.


we had no teacher kanina in english. so ang last subject namin filipino. as mark and i were going back to our classroom (after i photocopied the notes of my classmate), we saw the teachers practicing for something. dance ata for tomorrow, christmas party ng lahat ng teachers sa mandaluyong. hehe.


daah.. i love mr. san juan and mr. patty's moves!! hehe. they're the greatest teacher-dancers i've ever seen. sa spcp kasi di uso yan eh. ay mali!! mga madre pala sumasayaw.. hehe.. :)


this ends my post. :)

12.04.2006

ENOUGH.

**walang kwenta tong post na ito para sa iba, pero this entry is meant for a person to blind to see a lover who's super duper mega over mighty marvel madly in love with him.**


she's had enough of it.


kilala niyo ba siya?


di na niya ma-take! bakit ganon. lagi na lang. lagi na lang siya nasasaktan. kahit hindi niya nakikita yung taong mahal niya, nasasaktan siya. dinadaan na lang niya sa tawa. tawa, tawa. parang baliw. sheesh. ang sakit nun! it hurts, you know. kung bawat sakit na nararamdaman niya ay katumbas ng isang tawa, baka ngayon, namatay na siya sa kakatawa. ang galing noh? parang walang problema. ang galing niyang magtago. parang normal lang siya, laging tumatawa, nagsasabi ng mga jokes, nakikisalamuha sa mga tao. parang, wala lang.

pag-alis ng bahay, nakangiti. tila maganda ang araw niya. lahat ng taong nakakasalubong niya sa daan, ngi-ni-ngi-tian niya. parang kilala naman niya lahat eh, noh? hanggang sa pagsakay sa tricycle. pilit na itinatago ang mga masamang nangyari, mga masamang panaginip, na minsa'y dumaan sa isipan niya.

pagpasok sa eskwelahan, kahit sabog na ang buhok. ngiti pa rin. parang galing lang ng mental! sasabihin ng mga kaklase niya, 'mahangin ba sa labas?' tatawa na naman, sabay ibababa ang gamit. tapos makikipagkwentuhan sa katabi. makikipagbiruan pa nga kung minsan eh. tapos bigla na lang tatahimik, tila may naalala. siguro, yun na namang 'pangyayaring' yun ang naalala niya. tapos tatanungin ng katabi, 'oh, bakit? may problema ba?'

sagot niya, 'hindi wala.' sabay ngiti. 'drama lang ako noh!'

this goes on for the rest of the day. hanggang makauwi. tapos, sasalabungin siya ng isa niyang kaibigan, isang kaibigang malapit na malapit sa kanya.

"anong problema?"
*teary eyed* "siya, na naman." *buhos na ang luha*
*yayakap si kaibigan* "naman toh to. kelan ka kaya titigil sa kaiiyak?? buti hindi nila nahahalata."
"sawang sawa na talaga ako!! ayoko na!! ano bang ginawa ko??!?! sasabihan niya ko na papansin. yun pala siya rin!! kelangan ba na makita niyang nagseselos ako?!?! shit, ano bang problema niya!"
"huy, tama na, kamatis ka na. ang pangit mo na."
"ok lang yan, pangit man ako o maganda, hindi na niya talaga ako magugustuhan."

:C

hindi mo alam. hindi mo lang talaga alam. hindi mo alam kung gaano kasakit ang itinatago niya. nakaka-awa.

kailangan bang paiyakin ang babae, para tuluyan nang lumayo si babae kay lalaki? at para wala na raw 'umepal' sa pagiibigan ng lalaki at babae (original)?

nakakainis. bakit ganun ang mga tao. mga user. mismong mga mahal nila, ginagamit, para masaktan yung isa, at tuluyan nang lumayo, at mawalan ng 'epal' sa buhay nila.

kung sino ka man, hindi mo siya kailangang pag-selosin pa. tanggap na niya na hindi mo siya magugustuhan at hanggang pangarap na lang nga ang magustuhan mo siya. bakit, meron ba siyang ginagawa para magustuhan mo siya? masiyado ba siya papansin para sayo? ni hindi nga siya makagalaw kapag nandyan ka eh, pano siya magiging yung 'ksp' na sinasabi mo?

tinamaan ka? buti naman. :)

12.02.2006

i'm bored.

it's been 2 days of vacation, and still, i haven't done a single homework. these days were so boring, that's why i can hardly start doing what needs to be done.


arggh, dapat hindi sinuspend ni lapus yung classes! hindi naman umulan eh! wrong timing. waaah!!


bakit ganun noh. parang nakakatamad nang mag-aral ngayong mga panahon na to. parang simpleng bagay lang ang ipagawa, hindi pa magawa. parang pinagpapaliban para bukas, just like, "madali lang yan, pwede na yan bukas." o di kaya, "kokopya na lang ako kay _______, alam naman niya siguro kasi yan eh."

ouch ba?

ako, nararanasan ko kasi yan. nakikita ko rin yan sa mga kaklase ko. hindi ko rin alam kung bakit, pero ganyan talaga ang batch namin. tamad, pero pinakamatalino, kung tutuusin. haha!! **mayabang ba??**


i plan to change my layout. it's so boring. i've searched for new blogskins on blogskins-dot-com.


i'm so excited. i'll be painting my room with green-and-orange stripes. haha!! ako mismo ang magpipintura, pero hindi lahat. karamihan lang. wee!


belated happy birthday to my mega idol, ma. katrina de leon!


20 days before our christmas party.
23 days before christmas.
30 days before 2007!


para dun sa mga nakakarelate:
(a message sent to me by superdawe. haha!)

kung may pasok ngayon, baka mga ganitong oras kumakain na tayo ng sisig, nakaka-miss ka lalo na yun sisig, kain tayo?!

sige... huwag!

pili... hehehe!

nyek! wala lang gusto ko lang i-share bago ako tuluyang magpaalam at gumawa ng makabuluhan habang may oras pa. babai!