<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/35325779?origin\x3dhttp://mitzyyyyy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

4.19.2007

ENNUI.

ENNUI, or boredom, is a condition characterized by perception of one's environment as dull, tedious, and lacking stimuli. There is an inherent anxiety in boredom; people will expend considerable effort to prevent or remedy it, yet in many circumstances it is accepted as an inevitable suffering to be endured. A common way to escape boredom is through creative thoughts or daydreaming.


ito, para sa mga nakakatanggap ng gm ko sa cellphone, ay isa sa mga salitang nilalagay ko sa huli ng aking gm. ennui means boredom. at gaya nga ng sinabi ng isa kong kaibigan, "it's the best word to describe our summer."

oo nga naman. ang BORING! hindi ko alam kung bakit. hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na-experience ang ganito. how ironic! kung kailan mayroong mga technology na nakapalibot satin, doon tayo ma-bo-bore. diba?

boredom. walang magawa. walang excitement. walang suspense. walang maisip na gawin. kung meron man, yun at yun na lang. ika nga, wala na bang bago?

siguro para sa inyo, boring ang summer niyo. di katulad ng magiging summer naming mga magiging CAT officers. malapit na ang summer training. hindi ko alam kung matutuwa ako or matatakot.

iniisip ko, 13 days lang ang summer training. 13. sandali lang yun! 9 hours a day. kakayanin ko yun! think positive. kung mas lalo kang matatakot, mas lalong hindi mo magagawa/matatapos yun, kase iniisip mo na hindi mo kakayanin. FACE YOUR FEARS! kailangan matapang ang isang officer.

pero inisip ko rin na sa isang oras marami nang nangyayari. paano pa kaya sa 9 hours? ayoko muna isipin yan! malayo pa ang may. haha!


next. haircut.

oh yes! magpapagupit na ko. hindi ko pa rin alam kung anong gupit ang gusto ko. mali. hindi ko alam kung anong gupit ang babagay sakin, kasi may alam naman ako na gupit. imagine niyo, nagreresearch pa ko ng hair cuts ah! haha. wala lang. ang init talaga, hindi ko kaya. heat wave ba? hehe.

at isa pang reason kung bakit ako magpapagupit kasi sa summer training, kapag pinaligo kami sa school, mahihirapan lang ako sa buhok kong napaka-haba na. kung yung sa school pa nga lang, nung naligo kami doon isang beses, nahirapan na ko patuyuin buhok ko, pano pa kaya sa summer training kung saan halos every meeting maliligo kami don?


nakakainis na talaga yung sun na yan! delayed ang messages. pero in fairness nag-improve naman ang pag-receive ng messages ngayon. 2-3 hours na lang ang delay, hindi katulad ng dati, 6-8 hours ang delay! nakakabwisit diba?

may natanggap akong balita mula sa aking butihing kaibigan na si jean dominique cruz na president ng supreme student government ng aming paaralan ngayon (haha! peace jean!) na bukas, april 2o 2oo7 ay magiging maayos na raw ang sun.

mehn. SANA NAMAN NOH! nababanas na kaming mga sun subscribers sa sobrang pagka-delay ng messages. hahaha.


ok. maiba naman, tungkol sa school. sa sections.

dati ko pa to narinig, mga march, mula naman sa isa kong kaibigan na si kaye anne. hmm. lahat ng section 'a' (aristotle, alcala, archimedes, almeda) lang ang nakarank. at yung sections 'b' to 'f' naman, halo-halo na. para daw hindi na magkaroon ng issue tungkol sa self-confidence at discrimination.

i strongly disagree with this.

unang-una sa lahat, nawala na yung 'nakasanayan' ng cmshs na ranked lahat. from 'a'-'f'.

second, fourth year ka, mataas ang average mo nung third year, at malaman mong magiging lowest section ka. ang sakit diba? nasa records din yun pag college ka na. kahit sabihin natin na mixed ang mga students, still nasa isip ng mga professor or dean or whatever na lowest section is lowest. grabe. haha! pasensya kung may nasasaktan, pero napag-usapan lang namin to.

third. kunwari ako, at isang kaibigan ko. mas mataas ang average ko sa kaibigan ko. at ako, napunta sa section c. tapos siya section b. sabihin ko man na hindi ako maiinis/maiinggit kasi kaibigan ko siya. hindi eh. mas mataas ako, kaya mas karapat-dapat ako sa section b! (haha. may nagkwento sakin niyan, tamaan. :)

yun lang. any violent reactions? tag na lang kayo.


UPCAT REVIEW. meron na kaming ganyan. siyempre, incoming junior eh. doi. haha. nung una, hindi ko iniisip kung gaano ka-importante yan. dinededma ko nga lang yan actually eh! yung mga pinapamigay na flyers sa labas ng school namen, pati yung si-nu-suggest ng isa naming teacher sa amin na review center, balewala lang yan sakin DATI. eh ngayon, naisip ko na hindi pala pwedeng paglaruan yan. UP yan eh. at saka lahat kami mag-te-take niyan. equal ang chances na makapasok ka, kasi lahat nga mag-te-take. hmmm. yun.

gustuhin man ng magulang ko na mag-aral ako sa UP, gusto ko namang mag-aral sa la salle. hindi dahil green ang kulay. kasi maganda don. wala lang. feel ko. ahaha! sosyal eh noh.

ang walang kwenta nun ah! nung sinabi ko.


and that's it for now. :)

2 Comments:

Blogger keanne. said...

lm mu disagree dn aq sa "random section".. hello..?! mwwlan ng discrimanxon..?? pnu mwwla kung ang "A" sections nkarank.. ang duh.. uu nga ung B-E/F, hndi nkarank, pro hndi b aarangkada nnman yang mga patutsada ng ibang estudyante na kexo puro sa "A" nnman ung mga sinasabak sa contest.. try kaya nilang buong batch ang ijumble.. kainis.. tpos hihirit p ung iba na kexo may intimidation nnman.. harhar.. snce wen nang-intimid8 ang sction "A"..???? ainako, shuts up n nga lang aq.. mamaya may gumera p skn.. hehehe.. peste.. try naman nla ilagay sa sction E c marlon.. e d masaya.. wala ng discriminaxon.. :D

2:34 PM  
Blogger keanne. said...

mxdo atang violente ang rxn q.. :D pish nlng s iba.. hehe..

8:31 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home