<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/35325779?origin\x3dhttp://mitzyyyyy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

12.04.2006

ENOUGH.

**walang kwenta tong post na ito para sa iba, pero this entry is meant for a person to blind to see a lover who's super duper mega over mighty marvel madly in love with him.**


she's had enough of it.


kilala niyo ba siya?


di na niya ma-take! bakit ganon. lagi na lang. lagi na lang siya nasasaktan. kahit hindi niya nakikita yung taong mahal niya, nasasaktan siya. dinadaan na lang niya sa tawa. tawa, tawa. parang baliw. sheesh. ang sakit nun! it hurts, you know. kung bawat sakit na nararamdaman niya ay katumbas ng isang tawa, baka ngayon, namatay na siya sa kakatawa. ang galing noh? parang walang problema. ang galing niyang magtago. parang normal lang siya, laging tumatawa, nagsasabi ng mga jokes, nakikisalamuha sa mga tao. parang, wala lang.

pag-alis ng bahay, nakangiti. tila maganda ang araw niya. lahat ng taong nakakasalubong niya sa daan, ngi-ni-ngi-tian niya. parang kilala naman niya lahat eh, noh? hanggang sa pagsakay sa tricycle. pilit na itinatago ang mga masamang nangyari, mga masamang panaginip, na minsa'y dumaan sa isipan niya.

pagpasok sa eskwelahan, kahit sabog na ang buhok. ngiti pa rin. parang galing lang ng mental! sasabihin ng mga kaklase niya, 'mahangin ba sa labas?' tatawa na naman, sabay ibababa ang gamit. tapos makikipagkwentuhan sa katabi. makikipagbiruan pa nga kung minsan eh. tapos bigla na lang tatahimik, tila may naalala. siguro, yun na namang 'pangyayaring' yun ang naalala niya. tapos tatanungin ng katabi, 'oh, bakit? may problema ba?'

sagot niya, 'hindi wala.' sabay ngiti. 'drama lang ako noh!'

this goes on for the rest of the day. hanggang makauwi. tapos, sasalabungin siya ng isa niyang kaibigan, isang kaibigang malapit na malapit sa kanya.

"anong problema?"
*teary eyed* "siya, na naman." *buhos na ang luha*
*yayakap si kaibigan* "naman toh to. kelan ka kaya titigil sa kaiiyak?? buti hindi nila nahahalata."
"sawang sawa na talaga ako!! ayoko na!! ano bang ginawa ko??!?! sasabihan niya ko na papansin. yun pala siya rin!! kelangan ba na makita niyang nagseselos ako?!?! shit, ano bang problema niya!"
"huy, tama na, kamatis ka na. ang pangit mo na."
"ok lang yan, pangit man ako o maganda, hindi na niya talaga ako magugustuhan."

:C

hindi mo alam. hindi mo lang talaga alam. hindi mo alam kung gaano kasakit ang itinatago niya. nakaka-awa.

kailangan bang paiyakin ang babae, para tuluyan nang lumayo si babae kay lalaki? at para wala na raw 'umepal' sa pagiibigan ng lalaki at babae (original)?

nakakainis. bakit ganun ang mga tao. mga user. mismong mga mahal nila, ginagamit, para masaktan yung isa, at tuluyan nang lumayo, at mawalan ng 'epal' sa buhay nila.

kung sino ka man, hindi mo siya kailangang pag-selosin pa. tanggap na niya na hindi mo siya magugustuhan at hanggang pangarap na lang nga ang magustuhan mo siya. bakit, meron ba siyang ginagawa para magustuhan mo siya? masiyado ba siya papansin para sayo? ni hindi nga siya makagalaw kapag nandyan ka eh, pano siya magiging yung 'ksp' na sinasabi mo?

tinamaan ka? buti naman. :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home