ang huling linggo.
ang huling linggo ko bilang junior ng CMSHS.
nakakaiyak. nakakatuwa. nakakainis. nakakamiss. ang daming nangyari, ang daming napagdaanan. grabe, sabi nga nila, ang third year na nga raw ang pinakamahirap na year sa high school. oo nga, ang hirap! hindi ko alam kung bakit, hindi naman siguro sa subjects? ayy. siguro nga. pero ang weird noh? diba nga ang mayroong mga pinakamahihirap na subjects is yung pinakamataas na year level/grade sa isang school? kunwari, mahirap para sa isang grade one, two or three student ang mga subjects na pang grade six or seven. gets? no need to explain. ang weird, mas nahirapan pa ang mga fourth year students ngayon sa third year kesa sa fourth year nila? wahaha.
at ngayon, isang linggo na lang ako junior. how ironic, kung ano pa ang pinakamahirap at pinakamasakit na year, yun pa ang most memorable. malamang, may mga experiences na hinding hindi mo makakalimutan. haha! tulad na lang ng six months na away namin ni kristoffer at mark. tapos yung controversial elections, at ang pinakahuling nangyari. alam niyo na yun. this year din, marami akong nakilalang friends, pano kase, merong period of time this school year na ang dame dameng nag-sun bigla! haha. hindi ko alam, baka dati pa sila naka-sun pero noon ko lang nalaman yung mga number nila. haay ang labo. malabo rin pala tong year na to noh? haha. ang dame ding nag-succeed. grabe, may super-regional (hehe! go marlen!) at champion sa cerebrawl. maraming teachers rin ang nagkaroon ng motorcycle. haha! pati ba naman yun?
hinding hindi ko makakalimutan yung isang beses na nakita ko sila sir ola, sir salvidar at sir bontuyan na naka-motor, isang linya. ang cute! para silang naghahabulan. tawa nga rin ako ng tawa nung time na yun eh, eh ung tawa ko skandalosa pa naman. muntik na tuloy napagalitan. haha!
tapos. yung isa pang hindi ko malilimutan na sandali ng third year life ko is yung napagalitan kami nila janine (dizon), joseph at ellie nung pinikturan namin yung fac. room. pinagalitan kami nung isang teacher kasi nag-pi-picture kami hindi daw nagpaalam (ata?). eh nagpaalam naman kami dun sa isang teacher. pwede nga raw kaming makasuhan eh! haha. wala lang.
at siyempre, kasama na rin don ang mga tao, ang aking mga kaklase. ang ARCHIES. ahh. ang sabi nga nila united ang klase namin. ang dami kasing grupo! haha. pero kahit ganun. mahal na mahal namin ang isa't isa. biruin mo ba naman, dahil sa mga asar na love team, meron din nagka-developan. ang cute noh? ehehe.
may mga archies na hindi ko ganong ka-close na mejo nakausap ko naman ngayong taon. yess naman! sino kaya yun? siyempre isa na ron si bespren dante. haha! wala lang. yes joseph? haha. marami rin ang nag-mature! yess naman. katulad na nga lang ng sinabi ko na yung mga love-team turned lovers. aun. mga sumibol na love life. ahaha! meron ding mga nagkaroon ng crush, tas love. big deal? wala lang. mga taong first time na narinig ng madla na magkaroon ng ganon.
siguro nga, ang third year ang isa sa mga major turning points ng aming buhay. kaya siguro nasabi na eto ang pinakamahirap na taon dahil dito pinakamarami ang mga pagbabago. maraming mga decisions ang kailangang pag-isipan ng mabuti. tapos hindi ka pa makakaisip ng mabuti dahil din sa studies mo. sobrang pressure! tapos dagdagan mo pa nung mga friends. peer pressure! haha! labo noh? ewan! para san nga ba toh? jox.
isa pa sa mga hindi ko makakalimutan ay ang pagsali ko sa cocc. naging isang malaking challenge din to para sakin kasi hindi talaga ako marunong mag-manage ng time. sabi ko nga crammer ako. pero nung sumali ako dun. alam niyo yun, parang ang daming pagbabago. haha! lalo na sa personal life. basta. masaya ako at pinasok ko ito. no regrets. :)
ewan. haha. mag-da-drama at magkakaiyakan na lang na naman tau rito. ahaha! sige. bye for now. :)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home