ang kontrobersyal na assessment.
there's this person who's really very nakakabwisit/nakakaimbyerna (sorry for the term). actually, halos lahat ng tao naiinis sa kanya. okei kilala niyo na diba? ako, dati pa ko irritable sa kanya, kaya pag tuwing kinakausap niya ko, nawawalan ako ng gana. he's super duper aggressive, kala mo naman kasi kung sino.
he's sensitive of his feelings, but not that of others. i (we) hate that.
sa isang subject namin ngayong third year, pinagawan kami ng teacher namin doon ng mga assessments on the teacher, activities of the subject and ourselves. ok lang nga na may negative, pero it's the first time in my life na maka-encounter ng sobrang pesteng situation na ganito.
i won't say sorry to you. nabasa ko (namin) lahat, grabe. alam kong hindi ako yun, pero alam mo rin na hindi ka perfect na tao para sabihin mo yun sa teacher. alam mo nag-wish ako, sana nandun ka kanina, nung final lecture ni ma'am. hindi ko ma-imagine kung ano yung magiging reaction MO. i really wished you were there. nakaka-excite.
hindi mo lang kasi alam kung gaano ni-rerespeto ng mga students yung teacher na yun. hindi mo alam kung gaano nila kamahal si maam. hindi mo alam ang maari niyang maramdaman sa mga sinasabi mo, dahil insensitive ka nga!
ok, so marami akong napagtanungan kung pwede 'tong i-post sa blog ko. maraming pumayag, pero i respect that person naman, kahit wala siyang respect dun sa ibang teacher niya. ouch ba? hahaha!!! (tawa ka diyan?!) i'd love to post EVERYTHING he wrote on his assessments. pero hindi naman tama yun diba?
hindi ko ma-imagine na kaya mong murahin ang teacher ng ganon-ganon na lang? grabe mga salita mo pare! ang hangin! ang alam namin, pwede informal, hindi bastusan! you know the difference between informal and bastusan? ang informal, katanggap-tanggap. nasasabi mo ang mga gusto mong sabihin na negative in a not-so-malalim manner, pero in a nice way naman. grabe! ang bastusan, bastusan! alam mo naman siguro yun diba? mataas kasi iq mo! diba? alam mo ba yung iba, hindi na nila tinuloy na basahin ang assessment mo? dahil sa una pa lang, ouch na!
oo nga naman, sabi nga ng isa kong kaibigan, why not post lahat ng sinabi mo? eh kung si maam nga daw naipakita niya saming lahat yung sinulat mo sa kanya! sabi ko naman, hindi kailangan malaman ng lahat ng taong makakabasa ng blog ko yung mga sinulat niya, dahil wala naman yun matutulong sa mga buhay nila.
gusto niyo ng sample?
- kino-consider ko ang sarili ko as one of those peepz na may high level of intellegence (according po ito sa International High IQ test). 130 ang iq ko, pero mas mataas si *ermm* kasi 131 siya!
- round robin? s**ts!! highest kami ni.... inggit kayo?
- *name-of-subject*?? can i not live without the subject? hahaha.. puro kahayupan naman!
- (when asked about 'moral of study') EWAN, meron ba?
- ...kasi you're like a bruha...peste ka! peste!
oh diba? yan ang assessment niya doon sa teacher namin. hindi ko pa nilalagay yung pinakagrabe. may mas malala diyan. hindi niyo alam talaga kung gaano kasakit yung mga sinabi ng taong ito sa teacher namin sa subject na yun. o sige, malamang kakampihan ko yung teacher. kakampihan namin, pala.
alam mo, alam ng lahat na ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para maintindihan natin ang lesson. in fact, gumamit siya ng iba't ibang strategies para lang maiba ang impression natin sa subject niya. na it's fun din to learn her subject, kahit na sinasabi ng iba na mahirap. and yet ang matatanggap LANG niya, ganung mga comments? reactions? oo nga, violent reactions, ika nga. sobrang violent nga!
didn't you see everything she did for us? kahit naramdaman nga lang? o sige, ayaw mo nga sa subject niya, pero diba? you should be at least thankful na naging top 8 ka sa subject niya? consolation mo na yun. and please, stop saying na, "ayy, ang baba ko, 85/100 LANG ako..." hello? ni-la-lang mo yung grade na yan? paano yung ibang mas mababa sa 85? be thankful! ganyan ang grade mo, dahil yan ang grade na bagay sa mga matataas ang IQ na katulad mo!
tungkol doon sa Battle of the Notebooks na sinasabi mo, hindi niya ni-re-require na lagyan ng design ang notebook. wala siyang sinabi, gusto lang yun ng student - nasa decision niya yun. ang tinitingnan ang laman. kaya walang kinalaman si maam doon.
isa pa, bakit mo binalik yung last year? yung nangyari sa isa nating kaklase? tapos na yun. at hindi yun kasali sa course natin ngayon. hindi mo yata naintindihan ang instructions ni maam? self-assessment and teacher's assessment for the subject zoology this school year. hindi nangyari ngayong school year na ito ang nangyari sa former classmate natin.
monster? tama nga. she is a monster, with a big heart. hindi mo alam kung ano-ano ang mga nagawa niya para sa mga students. binabase mo kasi ang judgment mo sa mga impression ng mga students on her pag nag-ka-klase siya. sabi nga nila, iba si maam sa classroom, iba siya sa labas. i really really wished you were there, talaga. as in. at nang malaman mo kung ano ang mga sinasabi ko.
alam kong dapat hindi ako nakikialam sa mga sinasabi mo sa kanya, pero lahat din kami apektado. lahat kami, naramdaman ang naramdaman niya, may mga umiyak pa nga eh! kasi alam nga namin kung gaano kasakit ang ginawa mo. everyone is against dun sa ginawa mong yan. alam mo naman yan.
sana, ma-realize mo yung hidden message ko dito. hindi mo kailangan mag-sorry samin. hindi mo man mabago yung pagiging ganyan mo, sana, kahit dagdagan mo lang ng pagka-sensitive sa feelings ng iba ang sarili mo. think before you act!
nga pala, awayin mo na ko kung awayin, mag-react ka na kung mag-react. i don't care anymore, really?
yun lang! yun ang side namin, at pagkatapos nito ay hindi na kami magsasalita tungkol dito. sana maintindihan mo rin kami.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home