<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/35325779?origin\x3dhttp://mitzyyyyy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

4.03.2007

mp3.

first post for april. i've been busy the past few days. busy? eh wala namang pasok. bakit ba. :)) may ginagawa ako noh. mag-text at makinig sa mp3. nag-o-online rin naman ako. ym at friendster. mawawala ba naman yun?! :)


at ngayon ko lang na-realize ang kahalagahan ng mp3 player. grabe. naiintindihan ko na ngayon ang kasabihang music is life. sige nga, explain? ahaha.! ewan. basta. hindi ko ma-explain. grabe. mapa-internet man o text, nakakakabit pa rin ang earphones ng mp3 ko sa tenga ko. malamang! earphones nga eh. :)) kahit nga sa pagtulog eh! and in fact, napanaginipan ko si avril lavigne kanina, kasi nakatulog ako nang naka-on yung mp3 player ko. tapos tinamaan ako ng pagka-adik, naka-repeat yung kanta. My Happy Ending yung kanta na nag-ple-play. isang oras rin paulit-ulit yung kantang yun noh? ahehe.! too bad, nakalimutan ko na yung dream ko. :(


maybe alam ko na yung meaning nung saying na music is life. kasi diba boredom kills? kaya para hindi ka ma-bore (tama ba.?), makinig ka ng music. para hindi ka mamatay.! ahaha.! CORNEE.


april 1, 'o7

-PALM SUNDAY. hindi ko na matandaan lahat ng nangyari. basta alam ko masaya ako nung araw na yun. grabe. :D ahh. alam ko na. first time ako ti-next ng taong hindi ko expect na i-te-text ako. ayun na yun. :D

april 2, 'o7

-gumising ako at about 7 am kasi kailangan kong pumunta ng school non. isasauli ko kasi yung hiniram ko na pants ng cat officer ko for the commencement exercises of the fourth year students. grabe. ang kulit nung hiniraman ko, sabi niya 9 am ako pumunta don. pero mga 10 na siya dumating. sabi nga ni Cleon, yung description niya dun sa ppt. presentation nung graduation nila is early bird. ahaha.! now i know..

-nung kinagabihan, pumunta ako ng mall. nagpalamig. kasama si papito at ang aking kapatid. kumain kame doon sa snowstorm. alam niyo yun? try niyo don. masarap yung stormblaze na m&m's. nakaka-addict. tapos bumili rin ako ng mga bagong t-shirt. grabe ang daming magaganda.! :)


napakainit ng summer ngayon. ibang-iba sa summer dati. kasi dati (last year) nakakatulog pa ko ng maayos. eh ngayon, 4th day pa lang ng vacation, hindi na ko makatulog ng maayos! paputol-putol tulog ko. minsan nga nagigising ako ng 3 am (hala, emily rose?) tapos kung ano ano yung ginagawa ko. ang sarap magpagupit ng buhok ko. grabe naman kasi yung buhok ko. ang haba na. ayoko magpagupit. after na lang ng distribution of cards ako magpapagupit. ewan. gusto ko kasi yung hindi maabutan ng mga kaibigan/kakilala ko yung bagong gupit. alam niyo yun, surprise. ahaha.!


in fairness naman, eto yung parang pinakamatagal na period na hindi ako nagpagupit. 10 months na rin ako hindi nagpapagupit. hair treatment lang. nyak.! para nga hindi hine-hair treatment to eh. labo ko talaga. :D


holy week na. ibang iba na rin ang holy week ngayon compared sa dati. parang nawawala na yung tunay na meaning niya. kasi ganito yung perception ko, parang they take this event as their vacation time. umuuwi sila ng province para hindi gunitain yun, kundi para mag-relax, na hindi naman talaga angkop na gawin during this period. hindi ko alam, sana nakuha niyo yung point ko. malabo kasi akong kausap eh.! :) tapos parang sa mga tv channels. alam mo yun, katulad ng cute ng ina mo (movie).. parang ipapalabas siya sa BLACK SATURDAY??? eh diba yun yung day of mourning because of the death of Jesus.? how ironic. wala lang naisip ko lang yung mga yan.


naman. distribution of cards na naman sa april 1o. another day of mourning. ahaha.! joke. for me lang naman. hindi ko alam. pero natatawa ako sa sarili ko, lalo na sa english at filipino. kung alam niyo lang ang nangyari sakin. tska ko na lang i-she-share dito kung bakit. :)


oh well. senior na ko. :) ayoko mag-graduate. nakita ko yung graduation ng fourth year ngayon. grabe, nakakaiyak talaga. isa kasi ako sa mga nagbabantay nung graduation (CAT). grabe talaga. buti na lang nag-grade 7 ako. haha. kasi diba 16 years old na ko. so dapat ka-batch ko yung mga 4th year ngayon. :) eh ayoko pa naman mag-graduate.! :D


tama nga ang sinabi ng isa kong officer sa CAT - pag fourth year na kame, wag kami humingi ng 'walang pasok', 'suspended', 'walang klase' or anything na hindi kami papasok ng school, because we'll surely regret it.


TREASURE EVERY MOMENT OF BEING A SENIOR.


~lalo na ngayon. batch 'o7-'o8 kami. lucky numbers pa naman yan! :D~

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home